PARAISONG PARISUKAT Binubuo natin ang ating mga pangarap sa pirapirasong paglalahad ng ating mga hangad, sa pagsasalarawan ng imahinasyong ito ay mga mumunting paraiso ng pantasya na nagsasalansan at namimistulang hagdan para sa mas malalaking pangarap. Sa bawat pantasya may nabubuo nga bang paglaya? o ang maliliit na paraiso ay patuloy lamang nagsasalansan ng mga di natin nakikitang pader na bumubuo ng mga kulungan? Una kong hinango ang ideya ng “obelisk” bilang saksi ng kasaysayan. Paano nga ba sinusulat ng isang dukha ang kanyang saloobin? Ang placard ba ay kayang magsalaysay ng kasaysayan? Pumasok sa aking imahinasyon ang mga estetika mula sa kilusang suffragettes ng New York, ang monolith ni Kubrick, ang batas ni Hammurabi sa panahon ng Mesopotamia, ang tansong tabletang natagpuan sa Laguna. Nauwi ako sa titulo ni Nadres at inalala ang kaligayahan ni Isya sa munting medalyang parangal sa pantasya ng limitado niyang paraiso. Hindi iisa ang ating karanasan, ngunit pwedeng punan ang bawat parisukat ng sarili nating aspirasyon, o pantasya. Hawak natin ang kasaysayan. Sa pagpapatuloy nito, tayo pa rin ang gumagawa ng ating bukas. Kailangang nating maging mapanuri dahil baka ang binubuo natin ay mga mumunting pantasya at walang katapusang hagdan sa hinahangad nating paraiso. Mideo M. Cruz ONLINE EXHIBITION May 10-25, 2020 Kaida Contemporary 45 Scout Madriñan St., South Triangle, Quezon City kaida529@yahoo.com.ph | +632.84635859 | +63.927.9297129 https://www.facebook.com/kaidagallerymanila/
Mideo M Cruz' Paraisong Parisukat Online Exhibition
2020年05月10日 - 2020年05月25日
開催国: | Kaida Contemporary 45 Scout Madriñan St., South Triangle, Quezon City
kaida529@yahoo.com.ph | +632.84635859 | +63.927.9297129 Philippines |
イベントの種類: | Alumni EventExhibition |
グランティ: | Mideo Cruz |